|
||||||||
|
||
New York — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Setyembre 21, 2017, sa kanyang Japanese counterpart na si Taro Kono, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng panunumbalik sa normal ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon. Dapat aniyang lagumin ng dalawang panig ang mga karanasan upang protektahan ang kanilang pundasyong pulitikal at hawakan ng mainam ang mga sentisibong isyu. Aniya, kung patitibayin ang pundasyong pulitikal at bubuuin ang tumpak na kaalaman, malusog at matatag na susulong ang relasyong Sino-Hapones at makakapagbigay ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Taro Kono ang kahandaan ng Hapon na samantalahin ang pagkakataon ng ika-45 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong Hapones-Sino, at magsikap kasama ng Tsina, upang mapawi ang mga umiiral na kahirapan sa relasyon ng dalawang bansa at mapasulong ang unti-unting pagbuti ng kanilang relasyon. Ipinagdiinan din niya na igigiit ng Hapon ang diwa ng "Peace Constitution."
Kaugnay ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, ipinahayag ni Wang na kasalukuyang humihigpit nang humihigpit ang situwasyon ng Korean Peninsula. Kaya, dapat aniyang magtimpi ang iba't-ibang kaukulang panig upang mapahupa ang maigting na situwasyon. Umaasa ang Tsina na mapaptingkad ng Hapon ang konstruktibong papel sa isyung ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |