|
||||||||
|
||
Kamakaila'y natapos ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang biyahe sa India. Ipinalabas ng mga lider ng Hapon at India ang isang magkasanib na pahayag kung saan inulit nila na dapat mapayapang lutasin ang mga hidwaan sa rehiyong ito na kinabibilangan ng isyu ng South China Sea batay sa "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)."
Kaugnay nito, ipinahayag Biyernes, Setyembre 15, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasang magkakasamang magsisikap ang iba't-ibang panig upang mapangalagaan ang pagtatamasa ng iba't-ibang bansa ng kalayaan sa paglalayag at paglipad sa mga kaukulang karagatan alinsunod sa pandaigdigang batas, at malutas ang kani-kanilang problema at hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ani Hua, tungkol sa isyu ng kalayaan sa paglalayag at mapayapang paglutas sa hidwaan na binanggit sa nasabing magkasanib na pahayag, alam ng lahat na dapat lutasin ng mga direktang may kaugnayang bansa ang mga ito sa pamamagitan ng diyalogo. Ito aniya ay palagiang paninindigan ng panig Tsino.
Idinagdag pa ni Hua na ang Hapon at India ay kapuwang mahalagang bansa sa Asya. Umaasa aniya ang panig Tsino na mapapaunlad ng Hapon at India ang normal na relasyon upang makapagbigay ng konstruktibong papel sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan at kooperasyon ng mga bansa, at pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |