Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Direktang ruta mula Beijing patungong Cebu, binuksan

(GMT+08:00) 2017-10-29 16:53:00       CRI
Beijing, Tsina -- "Magsisimula na sa Nobyembre 26, 2017 ang bagong direktang rutang panghimpapawid mula sa Beijing patungong Cebu," ito ang ipinahayag ni Genesis Raenani G. Renos, Tourism Officer ng Department of Tourism – (DoT) Beijing Office, sa launching event na idinaos kamakailan sa Sheraton Grand Beijing Dongcheng Hotel.

Ani Renos, ang bagong rutang ito ay isang chartered flight, at isasabalikat ng Philippine Airlines (PAL).

"Sa ngayon, ito'y may isang lipad kada linggo," dagdag pa niya.

Sinabi ni Renos na, inaasahang makapagdudulot ng mas komportable at maayos na serbisyo para sa mga turistang Tsino ang nasabing bagong ruta, dahil iyong mga nagnanais magtungo sa mga beach at iba pang tourist attractions ng Cebu – Bohol at iba pang mga karatig na lugar ay hindi na kailangan pang magpunta sa Manila.

"Ito rin ay inaasahang makakapagpataas ng bolyum ng mga turistang Tsino na magtutungo sa Pilipinas," aniya pa.

Idinagdag pa ni Renos na para sa mga gustong mag-avail ng serbisyong ito, makipag-ugnayan lamang sa mga travel agency sa Tsina at sila na ang bahalang mag-book ng flight.

Ayon naman kay Ginoong Zhao Xin ng Beijing Haozhou Aviation Service, ang bagong rutang panghimpapawid ay magdudulot ng pag-unlad sa ugnayang panturismo ng Tsina at Pilipinas at makapagpapahigpit ng people-to-people exchanges sa pagitan ng mga Tsino't Pilipino.

Matatandaang inilahad ng DoT-Beijing Office, na ang target nito para sa 2017 ay isang milyong turistang Tsino. Hinggil dito, sinabi ni Renos na ayon sa pinakahuling datos ng DoT noong Agosto ng taong ito, mayroon nang 641,412 na turistang Tsino ang nagpunta sa Pilipinas.

Ito aniya ay mas malaki ng mahigit 32% kumpara sa parehong bilang noong nakaraang taon.

Sinabi pa niyang sa tulong ng pamahalaang Tsino at mga partner na travel agency sa Tsina, optimistiko ang DoT na maaabot ang target para sa 2017.

Ang nasabing rutang panghimpapawid ay magakaksamang itinaguyod ng DoT – Beijing Office, Beijing Haozhou Aviation Service, at Philippine Airlines.

Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga opisyal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, DoT – Beijing Office, Beijing Haozhou Aviation Service, at Philippine Airlines, mga travel agency sa Tsina at mga media.

Launching ng rutang Beijing-Cebu at Beijing-Boracay

Mga dumalo habang nakikinig sa talumpati

Genesis Raenani G. Renos habang kinakapanayam ng media

Ginoong Zhao Xin ng Beijing Haozhou Aviation Service at Vivien Liu ng DoT-Beijing Office

Mga dumalo

/end/rhio//

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>