Bumisita kamakailan sa Beijing, ang isang grupo ng mga batang manlalaro ng table tennis mula sa Pilipinas.
Ang grupong ito ay binuo ng 23 manlalaro at 12 tagasanay. Sila ay nasa 5-araw na biyahe ng pakikipagpalitan sa mga manlalarong Tsino. Sa panahon ng biyahe, nakipaglaro sila sa mga manlalaro ng table tennis ng Capital University of Physical Eduation and Sports.
Ang naturang grupo ay pinamumunuan ni Ramon Fernandez, Komisyoner ng Komisyon ng Isports ng Pilipinas. Aniya, ang biyahe sa Tsina ay isang magandang tulong sa naturang mga manlalarong Pilipino sa paghahanda para sa 2020 Olympic Games. Umaasa aniya siyang palalakasin ng Pilipinas ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mas maraming aytem ng isport, para matutuhan ang maunlad na karanasan ng Tsina.
Salin: Liu Kai