Natapos kamakalawa, Sabado, ika-28 ng Oktubre 2017, sa Yangon, Myanmar, ang Chinese Culture Caravan, isang aktibidad para maibahagi sa mga lokal na mamamayan ang tradisyonal na kulturang Tsino.
Sa panahon ng aktibidad, kinagiliwan ng ilang libong mamamayan ng Myanmar ang mga tradisyonal na palabas na pansining ng Tsina, na gaya ng clown show, face-changing, magic show, Chinese acrobatics, at iba pa. Lumahok din ang mga bata sa mga interactive activity, na gaya ng paggawa ng panda figure sa pamamagitan ng luad, paggawa ng Chinese knot, pagpipinta sa paper fan, at iba pa.
Salin: Liu Kai