Yangon, Myanmar-Idinaos Oktubre 21, 2017 ng sangay ng Industrial and Commercial Bank of China sa Myanmar ang financial service summit. Dumalo sa pagtitipon sina Embahador Hong Liang ng Tsina sa Myanmar, Than Myint, Union Minister of Commerce ng Myanmar, at mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor.
Ipinahayag ni Embahador Hong na bilang batayan ng economic activities, bibigyan ng "Belt and Road Initiative" ng sapat na pondo ang mga proyektong pangkooperasyon. Magbibigay din aniya ito ng mabisang serbisyong pinansyal. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang mga pamahalaan, organong pinansyal at bahay-kalakal ng Tsina at Myanmar, para ibayong pasulungin ang pagtutulungang pinansyal ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Than Myint na ang Tsina ay pinakamalaking pinanggagalingan ng pamumuhunan sa Myanmar sa daigdig. Positibo aniya ang Myanmar sa "Belt and Road Initiative. Hinihintay aniya niya ang mas malaking pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Myanmar.