Nagsimula ngayong araw, Oktubre 31, 2017 ang Tsina at anim na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, Pilipinas at Thailand ng magkasanib na pagsasanay ng paghahanap at pagliligtas sa karagatan sa Zhanjiang, baybaying lunsod sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina.
Kalahok sa nasabing pagsasanay ang humigit-kumulang 1,000 katao, 20 bapor at tatlong eroplano.
Ang field excercise ito ay isa pang hakbangin na isinagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN para mapahigpit ang pagtutulungan sa paghahanap at pagliligtas sa karagatan, batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Nauna rito, isinagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN ang katulad na sand table drill noong Setyembre, 2016.
Salin: Jade
Pulido: Mac