Nanning, Tsina—Nilagdaan Miyerkules, Setyembre 13, 2017 ng Tsina at tatlong bansang ASEAN na kinabibilangan ng Brunei, Indonesia at Vietnam ang mga dokumento hinggil sa pagtatatag ng mekanismong pangkooperasyon ng paglilipat ng teknolohiya, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Nauna rito, nalagdaan na ng Tsina at limang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang katulad na dokumentong pangkooperasyon. Sa loob ng taong ito, nakatakda ring magtalastasan ang Tsina at Pilipinas hinggil sa pagtatatag ng mekanismo ng paglilipat ng teknolohiya.
Ang nasabing seremonya ng paglalagda ay idinaos sa Ika-5 Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa Paglilipat ng Teknolohiya at Inobasyong Pangkooperasyon sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Ang porum ay ginanap sa panahon ng Ika-14 China-ASEAN Expo (CAExpo) mula Setyembre 12 hanggang Setyembre15, 2017.
Salin: Jade