Walo (8) katao ang nasawi at mahigit 10 iba pa ang nasugatan, pagkaraang sagasaan kahapon, Martes, ika-31 ng Oktubre 2017, ng isang trak ang mga tao, malapit sa World Trade Center sa New York City, Amerika.
Sinabi ni Bill de Blasio, Alkalde ng New York City, na ang insidenteng ito ay "duwag na teroristikong aksyong nakatuon sa mga sibilyan."
Ayon naman kay James O'Neill, New York City Police Commissioner, na isang 29-taong gulang na lalaki ang may-kagagawan ng insidenteng ito. Aniya pa, binaril at nasugatan ng mga pulis ang lalaking ito, at inilagak sa ospital.
Sa kabilang dako, ipinahayag ni Andrew Cuomo, Gobernador ng New York State, na walang natuklasang ebidensiya na may kasunod pang banta, makaraan ang naturang pag-atake.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na ito ay isa pang pag-atakeng ginawa ng isang masama at loko-lokong tao. Sinisiyasat na aniya ng mga departamento ng pagpapatupad ng batas ang insidenteng ito.
Salin: Liu Kai