Martes, Oktubre 31, 2017--Bumisita si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ibang 6 na miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC na sina Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji at Han Zheng, sa lugar na unang pinagdausan ng Pambansang Kongreso ng CPC.
Noong Hulyo ng taong 1921, ang unang Pambansang Kongreso ng CPC ay nahati sa dalawang yugto. Ang unang yugto ay idinaos sa Shanghai at ang ikalawang yugto ay idinaos sa lunsod ng Jiaxing ng lalawigang Zhejiang.
Sa nasabing biyahe, sinariwa ng bagong liderato ng CPC ang proseso ng pagkakatatag ng partido.
Ipinahayag ni Xi Jinpijng na dapat matandaan ng lahat ng mga miyembro ng CPC ang responsibilidad at obligasyon ng partido para taos-pusong magpunyagi para sa magandang kinabukasan ng Tsina at Nasyong Tsino.
Sinabi pa niyang kung magkakaisa ang CPC at buong sambanayang Tsino, maisasakatuparan ang mga target ng Chinese Dream.