|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon, Lunes, ika-30 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na igigiit ng kanyang bansa ang pagbubukas sa labas, para patuloy na magbibigay-ambag sa globalisasyong pangkabuhayan.
Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo sa mga miyembro ng lupong tagapayo ng School of Economics and Management ng Tsinghua University.
Binigyang-diin niyang batay sa pangangalaga sa sariling soberanya, seguridad at interes sa pag-unlad, patuloy na isasagawa ng Tsina ang saligang patakaran ng pagbubukas sa labas. Dagdag niya, ang pagbubukas ng Tsina ay magdudulot ng win-win result mismo sa bansa at buong daigdig.
Ipinahayag din ni Xi, na sa katatapos na ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, naitakda ang target na itatag ang modernisadong sistemang pangkabuhayan. Aniya, para ipagpatuloy ang kaunlarang pangkabuhayan, ang priyoridad ng Tsina ay nakatuon sa kalidad ng pag-unlad, sa halip na bilis ng pag-unlad.
Binanggit din ni Xi ang gagawing pagdalaw sa Tsina ni Pangulong Donald Trump ng Amerika. Ipinahayag niya ang pananabik sa pagdalaw na ito. Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng Amerika, na isaalang-alang ang mga interes at pagkabahala ng isa't isa, maayos na lutasin ang mga pagkakaiba at pagkakasalungatan, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Kalahok sa naturang pagtatagpo ang mga namumukod na personahe mula sa sirkulo ng industriya at komersyo ng daigdig, na kinabibilangan nina Henry Paulson, Tagapangulo ng Paulson Institute; Stephen Schwarzman, Tagapangulo ng Blackstone Group; Tim Cook, CEO ng Apple Inc.; Mark Zuckerberg, CEO ng Facebook; at iba pa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |