Idinaos kamakalawa, Sabado, ika-28 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang Taunang Pulong sa Kabuhayan at Kooperasyong Pandaigdig ng Tsina. Tinalakay, pangunahin na, ng mga kalahok ang hinggil sa tunguhin ng kabuhayang Tsino, sa ilalim ng pagtatatag ng modernisadong sistemang pangkabuhayan, na iniharap sa katatapos na ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina.
Sinabi ni Wang Yiming, Pangalawang Puno ng Development Research Center ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang pundasyon ng naturang sistema ay pagpapahalaga sa kalidad at episiyensiya ng pag-unlad ng kabuhayan. Aniya, ang mga pangunahing gawain sa ilalim ng sistemang ito ay kinabibilangan ng pagpapalalim ng supply-side structural reform, pagpapabuti ng kalidad, episyensya, at lakas-tagapagpasulong ng kaunlarang pangkabuhayan, pagsasakatuparan ng koordinadong pag-unlad ng real economy, inobasyon, modernong pinansya, at yamang-tao, at pagpapasulong sa mabisang mekanismo ng pamilihan, masiglang micro at maliliit na bahay-kalakal, at angkop na makro-kontrol.
Ipinahayag naman ni Danilo Turk, dating Pangulo ng Slovenia, na para pataasin ang kalidad ng kabuhayan, mahalaga ang pagsasagawa ng Tsina ng kooperasyong pandaigdig sa aspekto ng inobasyon. Aniya, sa ilalim ng pagtatatag ng modernisadong sistemang pangkabuhayan, maraming kooperasyon ang maaring gawin ng Tsina at Europa para sa pagpapasulong ng inobasyon.
Salin: Liu Kai