|
||||||||
|
||
Idinaos Miyerkules, Nobyembre 1, 2017 sa lunsod ng Nanning ang seremonya ng pagtatapos ng training sa landmine clearance na itinaguyod ng pamahalaang Tsino para sa Cambodia at Laos.
Ang pagsasanay na ito ay nabibilang sa pangkalahatang makataong tulong ng Tsina sa ibang mga bansa.
Tumagal nang 6 na linggo ang training na nilahukan ng 59 katao na mula sa Cambodia at Laos.
Nagsanay sila hinggil sa paghawak sa mga landmine at explosives, at paggamit ng mga kagamitan sa paghanap at pag-alis ng mga landmine.
Bukod dito, isinagawa rin nila ang praktikang pagsasanay.
Sa seremonya ng pagtatapos, inihandog ng Tsina sa Cambodia at Laos ang mga kagamitan sa landmines clearance.
Sapul noong 1998, nagbigay-tulong ang Tsina sa landmine clearance na gaya ng ganitong klase para sa mahigit 40 bansa sa Asya, Aprika at Latin America.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |