Pormal na sinimulan Lunes, Oktubre 9, 2017 sa Phnom Penh ang pagsasaoperasyon ng Lanmei Airlines. Ang nasabing airlines ay magkasamang pinatatakbo ng pondong Tsino at Cambodian.
Sa seremonya ng paglulunsad, ipinahayag ni Hor Nanhong, Pangalawang Punong Ministro ng Cambodia, na umaasa siyang makakatulong ang Lanmei Airlines sa paghihikayat ng mas maraming turistang Tsino at ng ibang mga bansa na dumalaw sa Cambodia.
Inirehistro ang Lanmei Airlines sa Phnom Penh noong nagdaang Marso ng 2016 at itinayo nito ang mga sangay sa Phnom Penh, Siem Reap, at Sihanoukville Port.