Nagtagpo nitong Biyernes, ika-3 ng Nobyembre, 2017 sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Bill Gates, co-founder ng Microsoft at Chairman ng Terra Power.
Sinabi ni Li na isinagawa ng Tsina at Amerika ang mainam na kooperasyon sa pagdedebelop ng teknolohiya ng nuclear power sa bagong henerasyon. Ito aniya ay may mutuwal na kapakinabangan para sa dalawang bansa.
Sinabi pa ni Li na nakahada ang Tsina na pahigpitin, kasama ng ibang mga bansa, ang kooperasyon sa mga teknolohiya para magdulot ng mas maraming kapakan para sa buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Gates na ang teknolohiya ng nuclear power sa bagong henerasyon ay mahalaga para sa pag-unlad ng teknolohiya ng enerhiya sa hinaharap. Sinabi pa niyang dapat maigarantiya ang pagsuplay ng malinis at ligtas na enerhiya.
Kaugnay ng kooperasyon ng Tsina at Amerika sa teknolohiya ng enerhiya, sinabi ni Gates na pinahahalagahan niya ang mayamang talent resources ng Tsina. Aniya pa, bukas ang atityud niya sa ganitong kooperasyon