Inilathala kamakailan sa Beijing ng China International Publishing Group ang aklat na "Xi Jinping: The Governance of China" Volume 2. Chinese version at English version ng volume na ito ang unang inilathala, at ibebenta ito sa loob at labas ng Tsina.
Nakalakip sa volume na ito ang mga talumpati, atas, mensahe, at iba pa, na ginawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, mula noong ika-18 ng Agosto, 2014, hanggang ika-29 ng Setyembre, 2017.
Ang "Xi Jinping: The Governance of China" Volume 1 ay inilathala noong ika-28 ng Setyembre, 2014. Naibenta na ang mahigit 6 na milyong kopya sa 21 wika sa mahigit 160 bansa at rehiyon ng daigdig.
Salin: Liu Kai