|
||||||||
|
||
Da Nang, Biyetnam — Kasalukuyang idinaraos ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Week para sa taong 2017. Bilang aktibidad na binibigyan ng pinakamalaking pansin, idaraos ang Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC mula Nobyembre 10 hanggang 11. Dadalo sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), ipinahayag ng mga dalubhasang Biyetnames sa mga isyung Tsino at mga panauhin, ang kanilang inaasahan sa paglahok ni Pangulong Xi. Inaasahan din nila na sa aspekto ng pagpapasulong ng globalisasyon at pagpapaginhawa ng kalakalan, mapapatingkad ng Tsina ang mas maraming papel.
Binuksan sa Da Nang nitong Lunes, Nobyembre 6, 2017, ang nasabing Meeting Week. Ang tema ng pulong nito ay "Paglikha ng Bagong Puwersang Tagapagpasulong, at Magkakasamang Paglikha ng Kinabukasan." Malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang mga lider ng iba't-ibang kasapi ng APEC tungkol sa malayang sonang pangkalakalan sa Asya-Pasipiko, sustenableng paglaki, seguridad ng pagkain, at iba pang tema.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |