Nobyembre 21, 2016 sa Lima, kabisera ng Peru, nakipag-usap si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Luz Salgado, Tagapangulo ng Parliamento ng Peru. Binigyang-diin ni Pangulong Xi na bilang matalik na magkatuwang, nitong 45 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, nananatiling maalwan ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Peru. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Peru para totohanang matupad ang komong palagay na narating ng dalawang panig sa kasalukuyang pagtitipon, para ibayong pasulungin ang bilateral na pagtutulungan, at bigyan ng mas maraming ginhawa ang mga mamamayan nito.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na ang pagpapalitan sa pagitan ng mga organong lehislatural ng Tsina at Peru ay nagiging mahalagang bahagi sa bilateral na pagtutulungan ng dalawang estado. Nakahanda aniya ang National People's Congress ng Tsina (NPC) na magsikap, kasama ng Parliamento ng Peru para pahigpitin ang mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan. Ito aniya'y makakatulong din sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Tagapangulong Salgado ang pagpapahalaga sa pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagtutulungan ng mga organong lehislatural at iba pang larangan, para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.