Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan dito Huwebes, Nobyembre 9, 2017 ang Ika-10 China-ASEAN Think Tank Strategic Dialogue Forum. Kalahok dito ang mahigit 200 opisyal ng mga think tank at organo ng pamahalaan ng Tsina at iba't ibang bansa ng ASEAN, upang magbigay ng sarili nilang talino at puwersa para sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Ang tema ng kasalukuyang porum ay "Magkasamang Pagtatatag ng 'Belt and Road' para Mapasulong ang Kooperasyon at Win-Win Situation ng Tsina at ASEAN." Ang mga paksa ng porum ay kinabibilangan ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN at kasalukuyang kalagayan at pagtanaw sa relasyon ng Tsina at ASEAN, konstruksyon ng integrasyon ng kabuhayang pandagat at panlupa ng Tsina at ASEAN, pagpapalitan at pagtutulungang kultural ng Tsina at ASEAN, konstruksyon ng "Belt and Road" at konstruksyon ng mekanismo ng pagpapalitan ng mga think tank ng Tsina at ASEAN, at iba pa.
Salin: Vera