Da Nang, Vietnam—Nilagdaan ng Tsina at Chile ang Kasunduan hinggil sa Upgrading ng Free Trade Agreement (FTA) ng dalawang bansa.
Tumayong-saksi sa seremonya ng paglagda sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Michelle Bachelet ng Chile. Kapuwa sila lumahok sa Ika-25 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na idinaos nitong nagdaang Biyernes at Sabado sa Vietnam.
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (kanan) at Pangulong Michelle Bachelet ng Chile (kaliwa) sa seremonya ng paglagda, Sabado, Nobyembre 11, 2017. (Xinhua/Ding Lin)
Ito ang unang upgrading ng FTA sa pagitan ng Tsina at isang bansang Latin America. Nilagdaan ng dalawang bansa ang FTA noong 2015. Ang Chile ay ang kauna-unahang bansa rin ng Latin Amerika na lumagda ng FTA sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio