Philippine International Convention Center — Idinaos ngayong hapon (local time), Nobyembre 13, 2017, ang Ika-20 Pulong ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Dumalo at nagtalumpti sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Ipinahayag ng premyer Tsino na sa mga dialogue partnership sa ASEAN, nagiging pinakamasigla at pinakamayaman ang relasyong Sino-ASEAN. Ito aniya ay komong palagay ng mga bansang ASEAN. Dapat lutasin ng dalawang panig ang mga sensitibong isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian upang maigarantiya ang pagtahak ng kanilang relasyon sa tumpak na direksyon, aniya pa.
Ipinagdiinan niya ang kahandaan ng Tsina na pagtugmain kasama ng mga bansang ASEAN, ang tunguhin ng pag-unlad ng siglo na kapayapaan at kaunlaran upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang panig. Iminungkahi aniya ng panig Tsino na balangkasin ang "Prospek ng Estratehikong Partnership ng Tsina at ASEAN sa 2030," at i-upgrade ang "2 plus 7 balangkas ng kooperasyon" sa "3 plus X balangkas ng kooperasyon." Ani Li, layon nitong itatag ang bagong balangkas ng kooperasyong may tatlong malaking sandigang kinabibilangan ng seguridad na pulitikal, pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitang pangkultura.
Salin: Li Feng