Ipinatalastas ngayong araw, Nobyembre 5, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, bibiyahe si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Pilipinas mula ika-12 hanggang ika-16 ng Nobyembre para dumalo sa ika-20 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN (10+1), ika-20 pulong ng mga lider ng Tsina, Timog Korea, Hapon at ASEAN (10+3), ika-12 East Asia Summit at magsagawa ng opisyal na pagdalaw sa bansang ito.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang Tagapangulong bansa ng ASEAN.