Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsasagawa ng mas maraming praktikal na aksyon para mapabuti ang ugnayang Sino-Hapones, kahilingan ni Pangulong Xi kay PM Abe

(GMT+08:00) 2017-11-12 05:32:08       CRI
Da Nang, Vietnam—Hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na magsagawa ng mas maraming praktikal na aksyon para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Abe nitong nagdaang Sabado, Nobyembre 11, 2017 sa sidelines ng kanilang paglahok sa Ika-25 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Vietnam.

Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (kanan) at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon (kaliwa)

Ipinagdiinan ni Xi na ang mutuwal na pagtitiwalaan ay ang susi sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones. Inulit din ni Xi ang kahilingan sa Hapon na maayos na hawakan ang isyu ng mapanalakay na kasaysayan nito sa mga kapitbansang Asyano, isyu ng Taiwan, at ibang mga isyung pinakamahalaga sa relasyong pulitikal ng Tsina at Hapon, batay sa apat na dokumentong pulitikal at ibang pagkakasundo na narating ng dalawang bansa.

Sinabi ni Xi na ngayong taon ay ang ika-45 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon at ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakalagda ng China-Japan Treaty of Peace and Friendship. Hinimok niya ang pamahalaang Hapones na samantalahin ang nasabing mga pagkakataon para mapasulong ang pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapon at magdulot ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Abe ang kahandaan na samantalahin ang nasabing mga pagkakataon para mapasulong ang estratehikong partnership na may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Nakahanda rin aniya ang Hapon na magsagawa, kasama ng Tsina, ng mga pragmatikong pagtutulungan hinggil sa Belt and Road Initiative (OBOR), turismo, kultura at pagpapalitan ng mga kabataan. Ang Hapon ay punong-abala ng 2020 Olympic Games at ang Tsina ay punong-abala ng 2022 Winter Olympic Games. Nais ng Hapon na makipagpalitan at makipagtulungan sa Tsina hinggil sa nasabing mga palaro, dagdag pa ni Abe.

Salin: Jade
Photo credit: Xinhua/Lan Hongguang |
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>