UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na sa pagpupunyaging ginawa sa pagtatagumpay ng ASEAN Summit, higit na bibilis ang pagkakaroon ng kabuluhan sa ASEAN-Vision 2025.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng plenaryo ng 31st ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center, sinabi niyang mahalaga ang pagsasama-sama ng mithiin sa rehiyon sa pagkakaroon ng ASEAN Community na isang "rules-based, people-oriented at people-centered" association.
Oportunidad rin ito upang pag-usapan ang mga uri ng pagtutulungan upang makatugon sa madalian, pangrehiyon at pangdaigdig na nagaganap at makatugon din sa panganib mula sa non-traditional security issues sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon.
Talagang mahalaga ang consultation, consensus at cooperation, ayon kay Pangulong Duterte.
Idinagdag niyang kailangan ang pagkakaroon ng community, centrality at connectivity upang matiyak ang tagumpay ng pagbuo ng isang ASEAN Community.