|
||||||||
|
||
Group picture ng mga kalahok na lider sa seremonya (larawan mula sa DZME)
Manila, Pilipinas-Idinaos kagabi, Nobyembre 12, 2017 ang seremonya para ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang mga lider ng iba't ibang bansa na dumalo sa nasabing gala ay lalahok din sa Ika-31 ASEAN at Related Summit.
Larawan nina Premyer Li, Pangulong Duterte, at Madame Honeylet, bago sinimulan ang seremonya (larawan mula sa DZME)
Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilang tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2017, at kasabay ng patuloy na pagdedebelop sa katuwal na kalagayan ng bansa, magsisikap ang Pilipinas, kasama ng mga miyembro ng ASEAN para pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng ASEAN at pahigpitin ang integrasyong pangkabuhayan nito. Samantala, magsisikap din aniya ang ASEAN para pahigpitin ang pakikipagtulungan at pakikipagpalitan sa ibat-ibang bansa sa daigdig.
Sina Premyer Li, Pangulong Duterte, at Madame Honeylet, habang tumatagay sa seremonya (larawan mula sa DZME)
Ayon sa ulat, tatalakayin ng kasalukuyang ASEAN Summit ang mga isyung may-kinalaman sa pinapasulong na konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN. Ang related summit ay kinabibilangan ng Ika-20 China-ASEAN Summit(10+1), Ika-20 Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea(10+3), at Ika-12 Summit ng Silangang Asya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |