|
||||||||
|
||
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magtulungan ang mga bansa sa daigdig upang masugpo ang terorismo.
Ito ang buod ng kanyang talumpati sa pagbubukas ng 12th East Asia Summit sa Philippine International Convention Center kanina.
Ayon kay Pangulong Duterte, samantalang ang kaunlaran sa larangan ng teknolohiya at ang pagkakaroon ng bukas na ekonomiya sa rehiyon ay nagdulot ng kaunlaran, sumidhi rin ang problemang hinaharap ngayon tulad ng terorismong walang hangganan at nakagagamit na ang mga terorista ng pagkakataon, kaguluhan at kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa pagpapakalat ng kanilang kaisipang nag-uugat sa poot at pinsala.
Ang East Asia Summit na pinamumunuan ng ASEAN at isang magandang mekanismo upang magkaroon ng mga pag-uusap upang mabuo ang programang tutugon sa anumang hamon sa seguridad.
Ang pagtutulungan ay magkakaroon ng magandang pagkakataong mapanatili ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa iba't ibang rehiyon.
Kabilang sa East Asia Summit ang mga bansang Australia, Tsina, India, Japan, New Zealand, Russia, South Korea, Estados Unidos at ang sampung bansang kabilang sa ASEAN.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |