|
||||||||
|
||
Manila, Pilipinas--Sa news briefing ngayong araw, ika-15 ng Nobyembre, 2017, kapwa nagbigay sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ng positibong pagtasa sa kanilang pag-uusap.
Ipinahayag ni Li na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at palagiang umaasa ang kanilang mga mamamayang mapapanatili ang mainam na relasyon ng dalawang bansa para magkasamang makalikha ng magandang kinabukasan.
Sinabi pa ni Li na kahit lumitaw minsan ang mag hidwaan at problema sa relasyon ng dalawang bansa, unti-unting bumubuti ang kasalukuyang relasyon ng dalawang bansa na katulad na mainit na panahon sa Manila.
Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa para pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng kanilang relasyon at kooperasyon.
Binigyang-diin ni Li na sa kasalukuyan, malaki ang progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, negosyo, turismo, agrikultura at pagpawi sa kahirapan. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na iugnay, kasama ng Pilipinas, ang estratehiya ng pag-unlad, malawak na lumahok sa konstruksyon ng mga imprastruktura sa Pilipinas, at talakayin ang pagbalangkas ng 5 hanggang 10 taong plano ng kooperasyon para ipakita sa komunidad ng daigdig ang matatag at sustenableng pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Winelkam din ni Li ang pagbisita ng mga media ng Pilipinas sa Tsina. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng mga media ng dalawang bansa ang kooperasyon para buong sikap na pasulungin ang kooperasyon at relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Duterte na ang pagdalaw ni Li sa Pilipinas ay nagpapakita ng malaking progreso ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ikinagagalak din aniya ng Pilipinas ang pagbuti at positibong pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan aniya ang pagkatig ng panig Tsino sa pambansang pag-unlad ng Pilipinas at pagkataguyod ng serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya.
Nakahanda aniya siyang ibayo pang pahigpitin, kasama ng Tsina, ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang larangan, at ipagpatuloy ang kasalukuyang pantay at aktuwal na kooperasyong may paggalang sa isa't isa para isakatuparan ang win-win situation, idulot ang mas malaking kapakanan sa kanilang mga mamamayan at bigyan ng positibong ambag ang matatag na pag-unlad ng rehiyong ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |