|
||||||||
|
||
Ottawa, Canada—Nagtagpo Huwebes, Setyembre 22, 2016 sina Punong Ministro Justin Trudeau ng Canada at dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Pagkaraan ng pagtatagpo, humarap ang dalawang lider sa mga mamamahayag.
Inilahad nilang sa pagkakataong ito, opisyal na nagsimula ang mekanismo ng taunang diyalogo ng mga punong ministro ng dalawang bansa.
Sang-ayon din silang patingkarin ang mga umiiral na mekanismo na gaya ng estratehikong diyalogong pangkabuhaya't pampinansya, taunang pulong ng mga ministrong panlabas at diyalogo sa pambansang kaligtasan at pagpapatupad sa batas, at iba pa.
Nagkasundo rin ang Tsina't Canada na simulan ang feasibility study hinggil sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Tumayong-saksi rin sina Premyer Li at Punong Ministro Trudeau sa paglagda sa 14 na kasunduang pangkooperasyon hinggil sa kabuhaya't kalakalan, third-party markets, agrikultura, pagpapatupad sa batas, turismo, adwana, abiyasyon at iba pa.
Sina Premier Li Keqiang (kaliwa) at PM Justin Trudeau (kanan) sa seremonya ng paglagda ng serye ng kasunduang pangkooperasyon ng Tsina't Canada, Sept. 22, 2016.
Sina Premier Li Keqiang (kaliwa) at PM Justin Trudeau (kanan) habang humaharap sa mga mamamahayag, Sept. 22, 2016. (Xinhua/Huang Jingwen)
Sina Premier Li Keqiang (kaliwa) at PM Justin Trudeau (kanan) habang nag-uusap, Sept. 22, 2016. (Xinhua/Huang Jingwen)
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |