|
||||||||
|
||
Paliwanag ni Pitlo, nananatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at ang panig Pilipino at Tsino ay nagsisikap na mapanatili ang situwasyon. Kailangan ito para maituon ang pansin sa mga usaping pang-ekonomiko na importante sa buong rehiyon ng ASEAN sa ngayon. Malaki ang maitutulong ng Tsina at ang pagdalaw ni Premyer Li ay nagbibigay ng katiyakan para sa Pilipinas at sa ASEAN hinggil sa kagustuhan ng Tsina na maging partner ng mga adhikaing pangkaunlaran.
Pahalagahan ang kasaysayan, giit ni Premyer Li
Ilang beses na iginiit ni Premyer Li sa kanyang mga pahayag at pakikipag-usap sa panig Pilipinas kaugnay ng kanyang opisyal na pagdalaw, ang kahalagahan ng pagtanaw sa aral ng kasaysayan. Hinggil dito, sinabi ni Pitlo na sa loob ng mahabang panahon, laging mabuti ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina. Ito aniya ay isang "positive anchor" na maaring pagbasehan ng bilateral na relasyon sa kasalukuyan at sa hinaharap. Aniya pa, mayroong "positive momentum" sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, maging sa ASEAN at Tsina.
Positive Momentum, malaki ang ganansiya para sa Pilipinas
Sa pananaw ni Pitlo, ang mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay ganansiya para sa Pilipinas. Umaasa siyang magkakaroon ng mga kooperasyon sa imprastruktura, tulong upang mapasigla ang ekonomiya at pamumuhunan sa sektor ng paggawa at paglilingkod. Ang karanasan ng Tsina sa infrastructure financing ay may malaking ambag sa Pilipinas
Pinahalagahan din ni PItlo ang mga pahayag ng Premyer Tsino na may mga pagkakaiba ang mga magkakapitbansa, pero ang mas mahalagang bagay ay hindi mismo ang hidwaan kundi ang mas malawak na pagtingin sa hidwaan sa konteksto ng ugnayan. Ang relasyon ng Pilipinas at Tsina ay mas malawak kumpara sa hidwaan ani pa ni Pitlo. Dagdag niya dapat patuloy na hanapin ang malikhain at inobatibong paraan upang matiyak na ang mga suliranin ay hindi makaaapekto sa bumubuting lagay ng relasyon.
Ulat: Mac Ramos
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |