Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Li at Pangulong Duterte, nakahandang pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino

(GMT+08:00) 2017-11-15 20:53:40       CRI

Maynila, Pilipinas—Nag-usap ngayong araw, Nobyembre 15, 2017 sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas. Kapuwa nila ipinahayag ang kahandaang ipagpatuloy ang pagkakaibigang pangkapitbansa at palalimin ang mga pragmatikong pagtutulungan para mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.

Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa kanilang pagtatagpo sa Maynila, Pilipinas, Nobyembre 15, 2017. (CGTN)

Ipinahayag ni Premyer Li na mahaba ang kasaysayan ng pagpapalitan ng Tsina at Pilipinas at ang pagtutulungang pangkaibigan ay nagsisilbing pangunahing tema ng nasabing kasaysayan. Aniya pa, sa kasalukuyan, napagtagumpayan na ng dalawang bansa ang pansamantalang kahirapan at gumaganda ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinakikita aniya ng katotohanan na ang pananangan sa pagkakaibigang pangkapitbansa ay angkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa at situwasyon ng rehiyon. Ito rin ay hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at nagsisilbi rin itong pundasyon ng pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng dalawang bansa, dagdag pa ni Li. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas, para patatagin ang pagkakaibigan, palalimin ang pagtutulungan at pasulungin ang matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Tinukoy rin ni Premyer Li na malaki ang pagkokomplimento ng mga kabuhayan ng Tsina at Pilipinas. Nagsisilbing pagkakataon ng pag-unlad at malawak na pamilihan sa isa't isa ang dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang estratehikong pag-uugnayang pangkaunlaran para matugunan ang pangangailangan ng Pilipinas sa konstruksyon ng imprastruktura. Patitingkarin aniya ng Tsina ang bentahe nito sa paggawa ng makinarya at kagamitan at karanasan sa konstruksyon ng imprastruktura para isagawa, kasama ng Pilipinas, ang pagtutulungan ng production capacity sa konstruksyon ng imprastruktura at itakda ang mga may kinalamang plano. Kasabay nito, nakahanda rin ang Tsina, kasama ng Pilipinas na pasulungin ang pagtutulungan sa kalakalan, pamumuhunan, information technology, agrikultura, pangingisda, pagpapahupa ng kahirapan, at pagbabago ng mga slum area. Iminungkahi rin ni Premyer Li na pahigpitin ng dalawang bansa ang estratehikong pagtutulungang panseguridad para mas maayos na matugunan ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na hamong panseguridad. Ani Li, kailangan ding palakasin ng dalawang bansa ang pagtutulungan sa kultura, teknolohiya, kalusugan, at mga kabataan. Kailangan din nilang pahigpitin ang koordinasyon sa multilateral at rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon para mapasigla ang pag-unlad ng dalawang bansa at rehiyon.

Binati rin ni Premyer Li ang Pilipinas sa matagumpay na pagdaos ng serye ng pulong Silangang Asya. Ipinagdiinan ni Li na palagiang itinuturing ng Tsina ang ASEAN bilang priyoridad ng patakarang panlabas nito. Ang Pilipinas ay magsisilbing bansang tagapagkoordina sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Nakahanda ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na magsikap para mapasulong ang walang-humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang biyahe ni Premyer Li ay unang pagdalaw sa Pilipinas ng isang premyer Tsino, nitong 10 taong nakalipas. Mayroon itong mahalagang katuturan. Ani pa ni Duterte, mabuting kaibigan at mataimtim na partner na pangkooperasyon ng Pilipinas ang Tsina. Pinasalamatan din ng pangulong Pilipino ang suporta ng Tsina sa konstruksyon ng imprastruktura at pangangalaga sa katatagan ng bansa. Ipinahayag din ni Duterte ang mainit na pagtanggap sa pamumuhunan sa Pilipinas ng mga bahay-kalakal na Tsino. Inaasahan aniya ng Pilipinas na matuto sa karanasan ng Tsina sa pag-unlad. Umaasa aniya rin ang Pilipinas na mapapahigpit ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng pasilidad ng transportasyon, telekomunikasyon, agrikultura at iba pa para maging mas masigla at mas mabunga ang relasyon ng Tsina at Pilipinas. Nakahanda aniya ang Pilipinas na patingkarin ang papel bilang bansang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN.

Nagpalitan din sina Pangulong Duterte at Premyer Li ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, magkasamang humarap sa mga mamamahayag sina Premyer Li at Pangulong Duterte.

Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas habang humaharap sa mga mamamahayag sa Maynila, Pilipinas, Nobyembre 15, 2017. (Xinhua/Pang Xinglei)

Makaraang magtagpo, saksi sina Li at Duterte sa paglagda ng serye ng dokumentong pangkooperasyon na may kinalaman sa imprastruktura, production capacity, teknolohiyang pangkabuhayan, pinansya, kultura, people-to-people exchanges at iba pa.

Bago mag-usap, inihandog din ni Pangulong Duterte ang maringal na seremonyang panalubong kay Premyer Li sa Malacañang Palace.

Si Premyer Li Keqiang ng Tsina habang lumalahok sa seremonyang panalubong na inihandog ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa Maynila, Pilipinas, Nobyembre 15, 2017. (Xinhua/Liu Weibing)

Nag-alay rin si Premyer Li ng mga bulaklak sa Rizal Monument.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>