Maynila, Pilipinas—Lumahok ngayong araw, Nobyembre 15, 2017 sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa pasinaya ng mga tulay sa Pasig River at mga rehab center sa Sarangani at Agusan del Sur. Ang lahat ng nasabing mga proyekto ay may tulong pondo mula sa Tsina.
Ang dalawang tulay ay sa pagitan ng Binondo at Intramuros, at Estrella at Pantaleon. Magpapaluwang ang mga ito ng trapik sa Metro Manila. Ang dalawang rehab centers naman sa Mindanao ay maaaring tumanggap ng 300 drug addict.
Pinasalamatan ng Pilipinas ang tulong ng Tsina. Pagkaraan ng pasinaya, nakita ng dalawang lider ang modelo ng nasabing mga proyekto.
Hiniling ni Premyer Li sa mga namamahalang tauhang Tsino sa mga proyekto na ipauna ang kalidad at episyensiya, at buong-sikap na kompletuhin ang mga ito sa lalong madaling panahon, para sa kapakinabangan ng mga Pilipino. Idinagdag pa ni Premyer Li na malawak ang espasyo ng pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas at kailangang ibayo pang pasulungin ang mga pagtutulungang may kinalaman sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Photo credit: DZME