Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-apat na kasunduan, nilagdaan ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-11-16 16:12:54       CRI

Tagumpay ang idinaos na ASEAN Summit sa Pilipinas

si Ginoong Jesus Varela, secretary-general ng International Chamber of Commerce – Philippines

NANINIWALA si Ginoong Jesus Varela, secretary-general ng International Chamber of Commerce – Philippines na matagumpay ang idinaos na ASEAN Summit sa Maynila. Na sa tamang direksyon ang ASEAN at mga kasamang bansa na pawang dialogue partners.

Sa isang panayam, sinabi ni G. Varela na nagkaroon ng tagumpay sa isyu ng South China Sea sapagakt matagal nang pinag-usapan ang Code of Conduct at ngayon lamang nagkaroon ng kasunduang isulong ang mga pag-uusap.

Malaki rin ang magiging pakinabang ng mga manggagawang Filipino na nasa iba't ibang bansa ng ASEAN sa pagkakaroon ng protocol sa pagtulong at pagtiyak sa mga karapatan ng mga manggagawa.

Hinggil sa pagdalaw ni Premier Li Keqiang sa Pilipinas, sinabi ni G. Varela na nasa Pilipinas pa ang opisyal ng Tsina upang isulong ang pakikipag-usap sa pamahalaang Duterte. Pinahahalagahan ng Tsina ang Pilipinas kaya't mauupo at makikipag-usap hinggil sa mahahalagang isyu sa pagitan ng dalawang bansa.

Nabanggit ni Chinese Premier Li na nabuo ang ASEAN Plus Three sa pagkakaroon ng Asian Financial Crisis noong 1997. Ani G. Varela, hindi lamang naganap noong 1997 ang financial crisis sapagkat muli itong yumanig ng ekonomiya noong 2008. Napapanahon lamang namagsama-sama ang ASEAN at ang tatlong dialogue partners na kinabibilangan ng Tsina, Japan at South Korea upang mapaghandaan ang magiging nag-iisang tugon sakali mang mayanig na naman ang rehiyon sa larangan ng pananalapi.

Hinggil sa magkaibang paninindigan nina Pangulong Xi Jinping at Donald Trump, sinabi ni G. Varela na magkakaroon ng pagbabago sa paninindigan ng pangulo ng America sapagkat ito na rin ang naging pahayag nina Pangulong Barack Obama. Tanging poltiical statements lamang ang mga ito. Magugunitang isinusulong ng Tsina ang globalization.

Sa pananaw ni G. Varela, mabuti nang makasama sa pandaigdigang kalakalan kaysa manatiling nag-iisa. Mas makasasama ito sa mga bansang tulad ng Pilipinas.


1  2  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>