Miyerkules, Nobyembre 15, 2017, Singapore—Nagpalitan dito ng Memorandum of Understanding (MoU) ang Hong Kong Monetary Authority (HKMA) at Monetary Authority of Singapore (MAS). Ayon sa MoU, magkasamang pauunlarin ng kapuwa panig ang Global Trade Connectivity Network (GTCN), isang cross-border infrastructure na batay sa distributed ledger technology (DLT), upang i-digitalise ang kalakalan at trade finance ng dalawang lunsod, at palawigin ang network sa rehiyon at buong mundo,.
Ang GTCN ay unang strategic joint innovation project ng nasabing dalawang kawanihan sapul nang lumagda sila sa kasunduan sa kooperasyon noong nagdaang buwan. Naglalayon itong sa pamamagitan ng DLT, itatatag ang tsanel ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng Hong Kong Trade Finance Platform at National Trade Platform ng Singapore, para mapababa ang gastos ng transnasyonal na kalakalan at trade finance, at mapataas ang kaligtasan at episyensiya nito.
Salin: Vera