|
||||||||
|
||
LUMAGO ang industriya ng mga sasakyan sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 16 % pagtaas sa pinagsanib na ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association.
Umabot ang benta mula sa 292,502 sasakyan noong unang siyam na buwan ng taon at nakamtan ang bentang 339,380.
Tumaas ang benta ng pampasaherong kotse at commercial vehicles kung ihahambing sa datos noong Oktubre ng 2016. Umabot ang mga naipagbiling kotse sa 113,341 unit sa taong ito samantalang sa commercial vehicles, umabot sa 226,039 ang mga sasakyang binili.
May mga namili ng sasakyan sa ilalim ng fleet sales at nagkaroon din ng sapat na stocks.
Ang AUVs ay nagkaroon ng 6,858 unit samantalang ang LCV ay nagkaron ng 16,521 unit. Lumago rin ang benta ng mga truck at bus dahil na rin sa fleet deliveries.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez ng CAMPI, matatag pa rin ang pamilihan sapagkat mayroong promotional support upang maisulong ang mga magagandang unit.
Nangunguna pa rin ang Toyota na nagkaroon ng 44% na pamilihan. Sinundan ito ng Mitsubishi na nagtamo ng 17.61%. Pangatlo ang Ford na nagkaroon ng 8.42 percent market share. Pang-apat naman ang Honda sa pagkakaroon ng 6.98% at Isuzu na mayroong 6.70 percent.
Magugunitang binanggit ni Pangulong Donald Trump na nararapat makapasok ang mga sasakyang gawa sa Estados Unidos ng walang buwis. Ang mga sasakyang gawa sa Japan ay 'di pinapatawan ng buwis, dagdag pa ni Pangulong Trump sa kanyang talumpati sa 31st ASEAN Summit and Related Meetings.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |