SA unang pagkakataon, sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa na umaasa siyang ang mga may lisensyang magdala ng baril ay sumama na sa paglaban sa mga terorista.
Umaasa si General dela Roas na magkaisa ang mga may baril upang maiwasan na ang naganap sa Marawi City. Ito ang bahagi ng kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng defense at sporting show sa Mandaluyong City.
Naniniwala siya ang mga may baril ay makatutulong sa pagsugpo ng mga terorista sapagkat magdadalawang isip na ang teroristang pumasok sa mga bayan at lungsod.
Inihalimbawa niya ang mga may baril sa Cotabato, Davao, Iligan at Cagayan de Oro na magsama-sama upang maging epektibong panangga at panglaban sa mga nagbabalak maghasik ng gulo.