Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas magandang isulong ang Fisheries Agreement sa Tsina

(GMT+08:00) 2017-11-17 18:35:55       CRI

NANINIWALA si U. P. Professor Dr. Clarita Carlos na mas makabubuting isulong ng Pilipinas ang isang kasunduan sa Tsina sa larangan ng pangingisda. Mas madali itong makakamtan sapagkat hindi ito isyung politikal.

Ito ang kanyang pananaw matapos lumabas ang balitang nagkasundo ang ASEAN at ang Tsina na pag-usapan ang magiging detalyes ng pagkilos ng mga bansa sa South China Sea.

Lumabas kahapon ang pahayag na nagkaisa ang ASEAN at Tsina na magsimulang mag-usap sa susunod na taon hinggil sa mga detalyes ng "code of conduct" sa South China Sea.

KASUNDUAN SA PANGINGISDA, MAS MADALING MALAGDAAN.  Naniniwal si U. P. Professor Clarita Carlos na ang fisheries agreement sa pagitan ng Pilipinas, Tsina at mga bansang ASEAN ang mas madaling maipapasa sapagkat wala itong politika.  Sa isang panayam, hindi gasinong umaasa si Prof. Carlos, dating pangulo ng National Defense College of the Philippines, na may mararating ang pag-uusap sa "Code of Conduct."  (Melo M. Acuna)

Hindi gasinong umaasa si Dr. Carlos na may mararating ang pag-uusap sapagkat mangangailangan ito ng "compliance mechanisms, accountabilities at responsibilities" na sasaklaw sa "territoriality" at "sovereignty."

Niliwanag ni Dr. Carlos na kahit nga mga kasunduan sa United Nations ay 'di natutupad sapagkat may mga bansang hindi sumusunod sa mga napagkasunduan.

Para sa dating pangulo ng National Defense College of the Philippines, mas madaling magkasundo sa larangan ng pangingisda sapagkat napakalapit nito sa sikmura ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Sa pagkakaroon ng fisheries agreement, mapag-uusapan kung sino ang mangingisda, kung kailan mangingisda at kung kailan isasara ang karagatan upang lumago ang fish stocks.

Mas malaki ang nakataya sa industriya ng pangingisda kaysa sinasabing petrolyo sa ilalim ng karagatan.

Hinggil naman sa balitang nagpapanukala ang ilang sektor na magkaroon ng joint exploration sa South China Sea, sinabi ni Professor Carlos na ang mga siyentipiko ay nAgpakadalubhasa sa agham at sa kanilang mga pag-uusap, walang bahid ng politika. Makabubuting hayaan ang Tsina na palawakin ang kahulugan ng katagang "joint" upang makasama ang iba't ibang bansa. "Low politics" din ito kaya't malamang na magaganap ang joint exploration sa pagkakasundo ng iba't ibang bansa sa rehiyon.

Sa binanggit ni Pangulong Trump na pagpapahalaga sa "protectionism," naniniwala si Professor Carlos na magbabago ang mga pananaw ng pangulo ng America. Kalmado na umano ang maingay na pangulo ng America ng makadalaw sa Tsina. Nagkaroon umano ng pagbabago sa pananaw at paggalang hindi lamang kay Pangulong Xi Jinping kungdi sa bansang Tsina na may 5,000 taong kasaysayan.

Nagparamdam din si Pangulong Trump na isang global power pa rin ang America sa pagkakaroon ng mga kasunduan sa Japan, South Korea at Pilipinas.

Hinggil sa pagiging malapit ng Pilipinas sa iba't ibang malalakas at mauunlad na bansa, sinabi ni Professor Carlos na praktikal ang mga Filipino at hindi kailangang makitang napakalapit sa America, sa Tsina o sa Russia sapagkat mapapalapit ang mga Filipino at ang Pilipinas sa sinumang bibili ng mga paninda ng bansa tulad ng mga pinya at saging.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>