Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-17 ng Nobyembre 2017, ng pambansang istasyon ng telebisyon ng Iraq, pagkaraan ng ilang oras na pakikibaka, binawi ng tropang Iraki ang bayan ng Rawa, lugar kung saan matatagpuan ang huling balwarte ng Islamic State sa loob ng Iraq.
Ayon pa rin sa ulat, ito ay isa pang malaking panalo ng IS. Pagkaraang mabawi ang Rawa, umuurong ngayon ang mga armadong tauhan ng IS sa mga disyerto sa kanlurang bahagi ng Iraq, at ibayo pang hihina ang kanilang banta sa seguridad ng bansang ito.
Salin: Liu Kai