Sa katatapos na 2017 EY Strategic Growth Forum sa California, Amerika, kauna-unahang idianos ang isang espesyal na porum hinggil sa pag-unlad ng Tsina.
Ang EY Strategic Growth Forum ay isang kilalang taunang pulong ng mga mangangalakal na Amerikano. Sa taong 2017, dumalo sa porum ang mahigit 2300 mangangalakal at pulitiko ng Amerika at ibang mga lugar sa buong daigdig.
Tampok sa nasabing porum hinggil sa pag-unlad ng Tsina ang mga isyung gaya ng pagdedebelop ng Artificial Intelligence (AI), inobasyon ng siyensiya at teknolohiya, at mga patakarang may kinalaman sa "Belt and Road" Initiative. Layunin nitong palalimin ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa siyensiya, teknolohiya, pinansiya, pamumuhunan at kalusugan.
Pinanguluhan ni Andy Serwer, Editor-in-Chief ng Yahoo Finance, ang porum hinggil sa pag-unlad ng Tsina. Sinabi niyang ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagmula sa progreso ng teknolohiya.
Dapat aniyang pahigpitin ng mga bahay-kalakal ng Amerika ang pakikipag-ugnayan sa Tsina at palalimin ang pagkaalam sa pamilihang Tsino.