|
||||||||
|
||
Sa isang resolusyong pinagtibay Miyerkules, Oktubre 1, 2017, ng Ika-72 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), muli nitong hinimok ang Amerika na bigyang-wakas ang ipinapataw nitong blokeyong pangkabuhayan, pangkalakalan, at pinansiyal sa Cuba na tumagal na ng mahigit kalahating siglo.
Hinimok din ng resolusyon ang lahat ng bansa na huwag isapubliko at isagawa ang anumang batas at hakbangin ng pagpataw ng blokeyo sa Cuba. Nanawagan ito sa mga bansang may nasabing mga batas at hakbangin na isagawa ang mga kinakailangang hakbang upang kanselahin o ipagwalang-bisa ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Bago pagtibayin ang resolusyon, sinabi ni Bruno Rodriguez Parrilla, Ministrong Panlabas ng Cuba, na ang isinasagawang blokeyo ng Amerika sa Cuba ay "lantaran, malawakan, at sistematikong" paglapastangan sa karapatang pantao ng mga mamamayang Cubano. Ang blokeyo aniya ay nagdudulot ng napakalaking kapinsalaan sa Cuba.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |