|
||||||||
|
||
LUMALIM ang kontroberysa sa pagkakasangkot ni General Dionisio Santiago, dating pinuno ng Dangerous Drugs Board. Ayon kay G. Santiago, ang sinasabing lumiham na nagreklamo sa Malacanang laban sa kanya ay nagsabing handang lumantad upang itanggi ang sinasabing liham.
Nakausap na umano ni G. Santiago ang isang Priscilla Herrera at nagsabing hindi sa kanyang nagmula ang liham. Sinabi rin umano ng diumano'y nagreklamo na mali ang pagkakabaybay ng kanyang pangalan,
Handa umanong lumantad si Bb. Herrera upang linisin ang pangalan ni General Santiago. Idinagdag pa ng dating pinuno ng DDB na wala naman siyang kasalanan kay Herrera kaya't walang ikagagalit sa kanya.
Tumanggi rin ang DDB Employees Union na lumiham sila sa Malacanang at mali pa ang letterhead ng ginamit Ang sinasabing "junkets" ay pawang paglalakbay na autorisado ng Malacanang, dagdag pa ni G. Santiago, sa paanyaya ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Inamin ni General Santiago na nagkita sila ng kanyang pamilya sa Budapest at sila rin ang gumastos sa kanilang pamasahe. Ang anak umano silang nagtatarabaho sa New York sa Delta Airlines kaya't libre ang pamasahe nito. Nakakaupo sila ng kanyang maybahay sa business class at ngumagastos lamang ng US14 sapagkat may anak nga silang nasa Delta Airlines.
Tumanggi rin si General Santiago sa bintang na mayroon siyang kalaguyo.
Hindi rin maunawaan ni General Santiago kung bakit naglabas ng walang sandigang akusasyon ang Malacanang laban sa kanya,
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |