Noong ika-20 ng Nobyembre, 2017, lumahok si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa ika-13 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Asia-Europe Meeting (ASEM). Sa kanyang talumpati sa pulong, nanawagan si Wang sa pagtatatag ng bagong uri ng partnership ng Asya at Europa.
Sinabi ni Wang na ang ASEM ay kumakatawan sa isang bagong paraan ng pagpapalitan ng iba't ibang bansa. Sinusunod ng mga kasapi ang prinsipyo ng pagkakaroon ng diyalogo sa halip ng konprontasyon, at pinangangalagaan ang kabuuang katatagan ng Asya at Europa. Idinagdag pa ni Wang na magkakasamang lumalahok ang mga kasapi ng ASEM sa pagpapasulong ng globalisasyong pangkabuhayan; nagsasagawa ng pagpapalitan ng iba't ibang sibilisasyon; iginigiit din ang ideya ng multilateralismo para kaharapin ang hamon sa pamamagitan ng kooperasyon.
Iniharap din ni Wang ang mga mungkahi hinggil sa kooperasyon ng Asya at Europa sa hinaharap. Aniya, una, dapat pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Ikalawa, dapat hanapin ang bagong tagapagpasulong na puwersa ng pag-unlad. Ikatlo, dapat magkakasamang hanapin ang mga sustainable governance model.
salin:Lele