|
||||||||
|
||
Naypyitaw, Myanmar — Sa kanyang pakikipagtagpo Linggo, Nobyembre 19, 2017, kay Ang San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, ipinaabot ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pagbati nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang. Ipinahayag din ni Wang na buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang pangangasiwa ni State Counselor Ang San Suu Kyi, alinsunod sa mithiin ng mga mamamayan. Sinusuportahan din aniya ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng Myanmar sa pangangalaga sa soberanya, pagsasarili, seguridad, at dignidad ng bansa. Bukod dito, sinabi rin ni Wang na sumasang-ayon ang Tsina sa ginagawang pagsisikap ng pamahalaan ng Myanmar upang mapasulong ang prosesong pangkapayapaan, mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, mapasigla ang kabuhayan, at matagumpay na maitaguyod ang gaganaping Asia Europe Meeting (ASEM) upang mapataas ang pandaigdigang katayuan at impluwensiya ng Myanmar.
Dagdag pa ni Wang, ikinasisiya ng panig Tsino ang mga natamong progresong pangkapayapaan ng Myanmar. Umaasa aniya siyang igigiit ng mga kaukulang panig ang "Panglong Spirit," at isasagawa ang mapagkaibigang pagsasanggunian.
Ipinahayag naman ni Ang San Suu Kyi na may tradisyonal na pagkakaibigan ang Myanmar at Tsina. Aniya, aktibong isinusulong ng kanyang bansa ang prosesong pangkapayapaan, at umaasa siyang patuloy na makukuha ang unawa at pagkatig ng panig Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |