Idaraos ang ika-13 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Asya at Europa sa Naypyitaw ng Myanmar sa ika-20 hanggang ika-21 ng Nobyembre. Sa paanyaya ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor of Myanmar, dadalo si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa pulong na ito.
Sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na lalahok si Wang sa talakayan ng iba't ibang yugto, ipapaliwanag ang paninindigan ng Tsina hinggil sa kalagayang panrehiyon at pandaigdig, konektibidad ng Asya at Europa, at iba pang mainit na isyu.
Aniya pa, dadalaw din si Wang sa Bangladesh sa Nobyembre 18, at tutungo sa Myanmar sa Nobyembre 19 ng 2017.
salin:Lele