Myanmar-Ipinahayag Nobyembre 19, 2017 ni Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina ang mungkahi hinggil sa paglutas sa isyu ng Rakhine State, Myanmar, sa pamamagitan ng tatlong yugto. Una, pagsasakatuparan ng tigil-putukan, pagpapanumbalik ng matatag na kaayusan ng rehiyon, at pagpapanumbalik ng matatag na pamumuhay ng mga mamamayan; ikalawa, pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga may-kinalamang panig, at paglutas sa mga katugong problema sa mapagkaibigang paraang pangkapayapaan; ikatlo, paghahanap ng paraan para komprehensibong lutasin ang mga problema. Winika ito ni Wang sa isang preskon hinggil sa kalagayan ng Rakhine, Myanmar.
Ani Wang, palaging suportado ng Tsina ang maayos na paglutas sa mga problema ng Myanmar at Bangladesh. Aniya, sinang-ayunan ng Myanmar at Bangladesh ang nasabing mungkahi ng Tsina. Samantala, umaasa aniya siyang susuportahan din ng komunidad ng daigdig ang usaping ito.