Idinaos kaninang umaga, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Manila, ang Ika-20 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea o ASEAN plus Three.
Sa kanyang talumpati sa pulong, nagbigay-diin si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pagtatatag ng East Asia Economic Community.
Sinabi ni Li, na ang pagtatatag ng naturang komunidad ay isa sa mga estratehikong target ng kooperasyon ng ASEAN plus Three, at angkop ito sa pangmatagalan at saligang interes ng mga mamamayan ng rehiyon ng Silangan at Timog-silangang Asya. Sa pamamagitan nito aniya, ang rehiyong ito ay magiging mahalagang lakas-tagapagpasulong sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Inilahad din ni Li ang paninindigan ng panig Tsino sa usaping ito. Ayon kay Li, ang layunin ng pagtatatag ng East Asia Economic Community ay para pasulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, at isakatuparan ang inklusibo at komong kaunlaran. Dapat aniyang igiit ang nukleong papel ng ASEAN sa usaping ito, at igiit ang prinsipyo ng pagsasanggunian at pagsasaalang-alang sa interes ng iba't ibang panig. Dagdag pa ni Li, habang pinasusulong ang usaping ito, may tatlong plataporma, at batay sa pagkakasunod sa kahalagahan ay una, kooperasyon ng ASEAN plus Three; ikalawa, kooperasyon ng mga ASEAN plus One, ibig sabihin, ASEAN plus China, ASEAN plus Japan, at ASEAN plus South Korea; at ikatlo, mga subrehiyonal na kooperasyon, na gaya ng kooperasyon ng Tsina, Hapon, at T.Korea, kooperasyon ng Lancang-Mekong River, Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), at iba pa.
Salin: Liu Kai