Ipinahayag Nobyembre 20, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinututulan ng Tsina ang pagdalaw nitong Linggo ni Pangulo Ram Nath Kovind ng India sa umano'y Arunachal Pradesh, purok-hanggahan ng Tsina at India kung saan nananatili pa ang alitan ng soberanya. Hindi kailan man kinikilala ng Tsina ang nasabing lugar.
Ipinahayag ni Lu na hindi mababago ang paninindigan ng Tsina sa mga isyu ng hanggahan ng dalawang bansa. Aniya, ang aksyong ito ng lider Indian ay hindi makakatulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Umaasa aniya siyang magsisikap ang India, kasama ng Tsina para pangalagaan ang magandang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at magkasamang lumikha ng mainam na kondisyon para sa border negotiation at matatag na pagtutulungan ng dalawang panig.