Beijing-Ipinahayag Nobyembre 20, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang tigil na nagsisikap ang Tsina para pasulungin ang relasyon ng Tsina at Timog Korea, alinsunod sa paggagalangan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Winika ito ni Lu bilang tugon sa nakatakdang biyahe sa Tsina ng Ministrong Panlabas ng Timog Korea na si Kang Kyung, mula ika-21 hanggang ika-23 ng buwang ito.
Ipinahayag ni Lu ang pag-asang magsisikap ang Timog Korea, kasama ng Tsina para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng pagtutulungan ng dalawang bansa.