|
||||||||
|
||
Suzhou, probinsyang Jiangsu ng Tsina — Idinaos Miyerkules, Nobyembre 22, 2017, ang Pulong ng mga Ministro ng Impormasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Malalimang tinalakay ng mga kalahok ang temang "Pagpapalakas ng Pragmatikong Kooperasyon sa Larangan ng Impormasyon, at Pagtatatag ng mas Mahigpit na Komunidad ng Komong Kapalaran ng Tsina at ASEAN."
Dumalo sa pulong si Jiang Jianguo, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng bansa, at ang mga ministro ng impormasyon o kinatawan mula sa mga bansang ASEAN gaya ng Indonesia, Laos, Myanmar, Pilipinas, at Thailand.
Sa kanyang talumpati, iniharap ni Jiang ang apat na mungkahi upang mapalakas ang kooperasyong Sino-ASEAN sa larangan ng media. Ang mga ito ay ang sumusunod: una, dapat magkakasamang ilabas ang tinig ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Asya; ikalawa, dapat magkakasamang ihatid ang pag-asa sa kasaganaan at kaunlaran; ikatlo, dapat magkakasamang itatag ang mabuting modelong pangkooperasyon; ika-apat, dapat magkakasamang pasulungin ang diyalogong sibilisado ng Asya.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na ministro ang kanilang pagtanggap at pagkatig sa tema ng nasabing pulong at mga mungkahing iniharap ng panig Tsino. Iniharap din nila ang kani-kanilang mungkahi tungkol sa ganitong kooperasyon.
Sinabi ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na nitong mga taong nakalipas, dahil sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa sampung (10) bansang ASEAN, nakuha nila ang mas maraming pagkakataon. Umaasa aniya siyang mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig upang mapasulong ang pag-unlad sa larangang pang-impormasyon sa rehiyong ito.
Pinagtibay sa pulong ang "Mungkahi ng Pulong ng mga Ministro ng Impormasyon ng Tsina at mga Bansang ASEAN."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |