Phnom Penh, Kambodya-Binuksan Nobyembre 21, 2017 ang pulong hinggil sa pagtutulungang pangkabuhayan, pangkalakalan, at panturismo ng lalawigang Fu Jian ng Tsina at Kambodya. Ipinahayag ni Huang Dezhi, namamahalang tauhan ng departamentong komersyal ng Fu Jian na mula noong Enero hanggang Setyembre ng taong ito, umabot sa 180 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Fu Jian at Kambodya. Aniya, suportado ng pamahalaan ng Fu Jian ang mas maraming pamumuhunan ng mga bahay-kalakal sa Kambodya. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa kaunlarang pangkabuhayan ng Kambodya, kundi maging sa win-win situation ng dalawang panig. Ipinahayag naman ni Sok Chenda Sophea, Puno ng Council for the Development of Cambodia ang pag-asang mamumuhunan ang mas maraming bahay-kalakal ng Tsina sa kanyang bansa.