Idinaos kahapon, Huwebes, ika-23 ng Nobyembre 2017, sa Manila, ang talakayan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina hinggil sa pagpapaunlad ng ecotourism.
Ang aktibidad na ito ay nasa pagtataguyod ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas at ASEAN China Centre.
Sa kanyang talumpati sa talakayan, sinabi ni Benito Bengzon, Jr., Pangalawang Kalihim ng Turismo ng Pilipinas, na sa kasalukuyan, puspusang pinauunlad ng iba't ibang bansang ASEAN ang ecotourism, bilang pangunahing elemento para sa sustenableng pag-unlad ng turismo. Kailangan aniyang ilakip ng ASEAN at Tsina sa kanilang kooperasyong panturismo ang pagpapasulong ng ecotourism, at palakasin ang pagpapalitan at pagbabahagi ng mga karanasan. Ani Bengzon, ito ay makakatulong sa sustenableng pag-unlad ng turismo ng iba't ibang bansa, at magdudulot ng benepisyo sa susunod na hene-henerasyon.
Salin: Liu Kai